Tuesday, 11 June 2013
Hangarin Sa Buhay
Palagi akong nag-iisip kung ano ba yung gusto kong mangyari sa buhay ko.
Pero eto lang talaga yung gusto kong mangyari:
1. Makapagtapos muna ng pag-aaral. Pagkatapos;
2. Maghanap ng trabaho at makapagtrabaho.
3. Pag may trabaho na mag-ipon para kay mama. Gusto ko ring kumuha at makabili ng permanenteng bahay para sakanya o sa amin.
4. Makatulong sa mga kamag-anak ko. Lalo na kay lola dahil siya talaga yung dapat pagtuunan ng pansin at yung mga pinsan ko na dapat pag-aralin.
5. Maibili o ma-itreat si mama makapasyal sa magagandang lugar na alam kong ikatutuwa niya. (naiiyak ako kasi alam kong mahirap lahat ng to pero gusto ko talagang matupad at mangyari lahat ng to. :') )
6. Yung para naman sa sarili ko. Sa mga panahong yun sana malaya nako magawa lahat ng gusto ko at alam kong makapagpapasaya sakin. Kung gala-gala man or outing w/ friends gusto ko talagang magkaron ng social life. Pero siyempre yung tama lang. Maka-experience ng mga bagay na diko pa nagagawa.
7. At sa huli diko alam kung magkakaroon pero sana yung buhay pag-ibig. Kung saan malaya na akong magkaroon nun. Kung sino man yun, yung sana tanggap ng pamilya ko lalong lalo na ni mama.
Hindi ko masasabi ang buhay. Pero alam ko etong hangarin kong to, ay makapagpapasaya at makapagpapa-ayos ng buhay ko pati narin ng pamilya ko.
Wala naman akong hinahangad kundi para sa ikububuti ng mga taong mahal ko at mahalaga sa akin.
Madaling mangarap, pero mahirap kung paano abutin lahat yun. Pero sana sa tulong ng nasa itaas, ni Lord hanggang sa huli magabayan niya ako at matulungan.
Alam ko di maiiwasang panghinaan ako sa buhay dahil lahat naman tayo ay dumadaan sa mga pagsubok. Pero di ako mawawalan ng pag-asa basta andyan lang yung mga mahal ko sa buhay at lalong lalo na si Lord. Siya lang talaga. Dahil alam kong walang imposible pagdating sakanya. At naniniwala ako dun. Dahil siya ang makapangyarihan sa lahat. :)
I love God. Kulang man sa gawa pero alam ko na siya lang talaga ang malalapitan ko sa lahat.
Di man ako perpekto, marami akong bagay nanagagawa na labag sakanya. Pero siya lang talaga yung tangi kong malalapitan.
Kaya sana talaga. Sana talaga magawa ko lahat ng ito para sa akin at para sakanila (family & relatives).
Woo! Eto nato papunta palang ako sa unang baitang. :))
Goodluck.Goodluck.Goodluck! & Godbless talaga para sa akin :))
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment